Wikang Filipino, Wikang Panlahat
Noong Agosto 4, 2014 naganap ang pagbubukas o opening ng buwan ng Wika. May maikling presentasyon ang mga miyembro rito at ang mga guro sa asignaturang Filipino.
May mga iba't ibang aktibidades silang ginagawa o ipinapatupad gaya ng Tagisan ng Talino na binubuo ng apat na estyudante mula sa iba't ibang taon. Pagsulat ng Sanaysay para maipakita ang kahusayan ng mga estyudante sa pagsusulat ng mga sanaysay. Muling Pagkukwento para maipakita ang kahusayan sa pagkukwento. Paggawa ng Slogan para maipakita ang kahusayan sa paggawa ng Slogan. Paggawa ng Movie Trailer para maipakita ang kahusayan sa pag-edit ng movie at paggawa ng pagkasunod -sunod ng mga pangyayari sa kwento. Pagsulat ng Tula para makita ang pagka makata ng mga estyudante. Balagtasan para maipakita ang kahusayan o galing sa pakikipagbalagtasan. Eksibit na ginagawa sa harap ng Silid-Aklatan, Sabayang Pagbigkas na isinagawa noong Agosto 20, 2014 na aming sinalihan at nakuha ang ikatlong katimpalak at ang Pagsasadula. Lahat ng ito ay ipinapagawa para mas matuto tayo at mapanatili natin ang kahusayan natin sa Wikang Filipino at para maipakita na minamahal natin ang ating Wikang Filipino at tinatangkilik natin ito.
Kaya Wikang Filipino Paunlarin! Gamitin natin ito ng maayos. Isa-puso natin ito at wag nating kalimutan na ito ang ating Wikang Pambansa. Ang Wikang Filipino ay ang Wikang Pagkakaisa.
.jpg)
No comments:
Post a Comment